Archbishop Jumoad, umapela kay Pangulong Duterte na maging tapat sa mensahe sa Semana Santa

Umaapela si Ozamiz Archbishop Martin Jumoad kay Pangulong Rodrigo Duterte na maging tapat sa kanyang mensahe sa Semana Santa na gamitin ang Kwaresma para magnilay at magtika.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Archbishop Jumoad, ang mensahe ng pangulo ay nagtatakda ng tono na magkaroon ng harmony sa bansa.

Magandang oportunidad aniya ito para magkaisa nag estado at simbahang Katolika para masiulong ang magagandang adhikain at matugunan ang pangangailangan ng tao.

Matatandaang makailang beses nang binatikos ng pangulo ang mga kagawad ng Simbahang Katolika at iginiit na hindi siya naniniwala sa relihiyon at tanging sa Panginoon lamang naniniwala.

Ayon kay Archbishop Jumoad, bukas ang Simbahang Katolika sa mga kritisismo.

Hindi aniya mapaghiganti ang Simbahang Katolika.

Read more...