Pero ayon kay Ariel roJas, weather forecaster ng PAGASA, maaring bukas pa o sa Martes papasok ang bagyo.
Ayon kay Rojas, kapag pumasok ang bagyo sa Pilipinas, tatawagin itong Bagyong Caloy.
Maari aniyang hindi mag landfall ang bagyo kung hindi magbabago ng direksyon.
Alas diyes kaninang umaga, namataan ang sentro ng bagyo 1, 740 kilometers East ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay ng bagyo ang hangin na nasa 55 kilometers per hour at may pagbugso na 55 kilometers per hour.
Payo ng PAGASA sa publiko, mag-ingat ngayong Semana Santa dahil sa lagay ng panahon.
Ayon kay Rojas, maaring gumanda na ang lagay ng panahon pagsapit ng Huwebes Santo at Biyernes Santo.