Mga Pinoy, nakiisa sa tradisyunal na Palm Sunday

Nakiisa ang mga Katolikong Pilipino sa buong bansa para sa tradisyunal na Linggo ng Palaspas o Palm Sunday.

Ito ang hudyat ng pagsisimula ng Semana Santa na magtatapos sa Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday.

Ito ang panahon kung saan hinihimok ang mga Kristiyano na magsisi s amga nagawang kasalan, mag-fasting, magdasal at magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Ang Palm Sunday ay paggunita sa matagumay na pagpasok ni Hesus sa Jerusalem na siya simula ng kanyang ministry.

Matapos mabasbasan ang mga palaspas ng mga nagsimba ay kanila itong sinasabit sa labas ng kanilang mga bahay na siyang pinaniniwalaan na nagtataboy sa mga masasamang espiritu.

Read more...