Batanes, niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang katubigan malapit sa Batanes ngayong umaga.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang naturang lindol sa layong 119 kilometro sa Silanggan ng isla ng Itbayat.

Naganap ang lindol kaninang 2:50 ng umaga ng Linggo.

Nasundan pa ito ng isa pang pagyanig na may lakas magnitude 2.7 kaninang 6:57 ng umaga.

Parehas na tectonic ang origin ng dalawang lindol.

Hindi na inaasahan ng PHIVOLCS na magkakaroon ng mga aftershocks.

Read more...