Ayon sa PAGASA, wala pa itong direktang epekto sa bansa ngayon at batay sa forecast track hindi rin maglalandfall sa kahit anong bahagi ng kalupaan.
Sakalin maging ganap na tropical depression, tatawagin itong ‘Caloy’.
Samantala patuloy ang pag-iral ng northeast monsoon o hanging amihan sa Luzon habang nakakaapekto pa rin ang tail-end of a cold front sa eastern section ng Eastern Visayas.
Dahil sa tail-end of a cold front ay magkararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-uulan ang Eastern at Central Visayas, Northern Mindanao at Caraga.
Posible ang flashfloods at landslides sa mga nasabing lugar.
Ang Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley Region, Bicol Region at mga lalawigan ng Aurora at Quezon ay makararanas ng maulap na kalangitan na mag pulo-pulong pag-ulan bunsod ng hanging amihan.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.
Ang natitirang bahagi ng bansa ay may bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan at makararanas lamang ng localized thunderstorms pagdating ng hapon o gabi.