‘Ito ay panahon ng pagpapatibay ng ating pananampalataya at pagpapabuti ng ating ugnayan sa Poong Maykapal at sa ating kapwa. Sa ating pagninilay ngayong Mahal na Araw, higit pa nating pagyabungin ang ating mga tradisyon bilang mga taong nananalig sa Diyos.” ani Duterte.
Iginiit ng pangulo na sa panahong ito ng pangingilin ay maisabuhay ang diwa ng pagsasakripisyo, pagmamalasakit at pagmamahal dahil anya, ang pagsasakatuparan dito ay patunay ng pananahan ng Diyos sa puso ng bawat isa.
Hinimok din Duterte mga mamamayan na magkaisa sa pagbuo at pagpapatatag sa isang lipunan na lahat ay may pagkakataong magkaroon ng magandang pamumuhay.