Pumanaw na sa edad na 82 si Tagasa na na-comatose matapos ma-stroke.
Sa Instagram, ibinahagi ni Coney Reyes ang kanyang farewell message at pasasalamat sa yumaong aktres dahil sa anya’y pagsama nito sa pinakamalulungkot na bahagi ng kanyang buhay.
Si Mely Tagasa ay kilala bilang si Miss Tapia, isang ‘terror professor’ sa Wanbol University sa palabas na Iskul Bukol.
Nakasama siya ni Reyes sa nasabing programa.
Dito rin nabuo ang relasyon sa pagitan nina Reyes at Vic Sotto at nagbunga ng anak nilang si Vico.
MOST READ
LATEST STORIES