Magnitude 6.3 na lindol, yumanig sa Papua New Guinea

Muli na namang niyanig ng isang malakas na lindol ang Papua New Guinea.

Batay sa datos ng US Geological Survery (USGS), ang episentro ng lindol ay naitala sa layong 180 kilometro sa Timog Kanlurang bahagi ng bayan ng Rabaul sa New Britain Island.

May lalim ang pagyanig na 68 kilometro.

Nauna nang naiulat na magnitude 6.8 ang lakas ng lindol ngunit ibinaba sa magnitude 6.3.

Sa isang bulletin naman ay nag-abiso ang Pacific Tsunami Warning Center na naka-base sa Huwaii na hindi inaasahan ang tsunami.

Naglasbas din ng No Tsunami Threat Advisory ang Phivolcs makaraan ang ilang minuto.

Sa inisyal namang mga ulat ay walang naitalang pinsala o nasaktan sa pinakabagong serye ng paglindol sa Papua New Guinea.

Matatandaang noong February 26 ay naganap ang magnitude 7.5 na pagyanig na kumitil sa buhay ng 100 katao.

Read more...