Mahigit 80,000 pasahero, naitala ng PCG sa mga pantalan bago ang Holy Week

Naitala ng Philippine Coast Guard ang mahigit 80,000 na mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa bago ang Holy Week.

Sa kabuuang bilang na 82,161 na mga pasahero, pinakamarami sa Southeastern Mindanao na 13,826.

Sinundan ito ng Western Visayas na 13,788, Central Visayas na 11,736 at Southern Tagalog na 11,280 na mga pasahero.

Naitala rin ng PCG ang sumusunod na outbound passengers sa ibang coast guard districts:

Northern Mindanao: 5,969
Bicol: 5,530
Southwestern Mindanao: 5,240
Southern Visayas: 5,114
Palawan: 4,767
National Capital Region: 2,105
Eastern Visayas: 1,528
Northwestern Luzon: 1,184
Northeastern Luzon: 294

Read more...