Layunin nito na maipakita ng sambayanang Pilipino sa buong mundo ang pagkakaisa upang labanan ang climate change.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malaki ang ang pagpapahalaga ng Pangulo sa kalikasan at sa katunayan nga aniya ay isa ito sa mga prayoridad na nabanggit niya sa State of the Nation Address.
Dagdag pa ni Roque, ang Pilipinas ay apektado ng nagbabagong klima at tumaas na temperatura kaya mahalaga na magkaroon ng awareness sa naturang kampanya.
Ang Earth Hour ay isang malakawang pagkilos ng World Wide Fund upang pag-isahin ang lahat na gumawa ng hakbang para sa ikabubuti ng planeta.