Chinese Navy, magsasagawa ng combat drills sa South China Sea

Magsasagawa ang Chinese Navy ng combat drills sa South China Sea bilang bahagi ng regular at taunang military exercises ng bansa.

Una rito ay sinabi ng defense ministry ng Taiwan na namataan ang pagdaan ng Chinese aircraft carrier group sa Taiwan Strait patungo sa South China Sea.

Ayon naman sa People’s Liberation Army Daily, ang combat exercises ay isasagawa pero walang detalye kung kailan at eksaktong lokasyon o kung anong war ships ang gagamitin.

Nakasaad sa pahayagan na ang hakbang ay routine drill na taunang ginagawa ng Chinese Navy na layong pagbutihin ang training level ng militar.

Nilinaw naman ng Chinese military na hindi target ng combat drill ang anumang bansa.

Read more...