KZ Tandingan, nagpaalam na sa ‘Singer 2018’

Muling nagbalik si KZ Tandingan sa stage ng top rating singing competition na ‘Singer 2018’ sa China.

Gayunman, hindi na upang ipagpatuloy ang kanyang laban bilang isang regular contender kundi magpaalam na awit-awit ang kanyang farewell song.

Hinarana ni Tandingan ang kanyang Chinese fans ng rendition ng kantang “See You Again” na nakasalin sa wikang Mandarin.

Bagaman natanggal na siya sa kompetisyon matapos makakuha ng mababang boto sa March 16 episode ng palabas, tila isang pahiwatig ang awitin ni KZ.

May tyansa pa ang Kapamilya star na muling mapasama sa kompetisyon.

Kinumpirma ito mismo ng kanyang management team na ‘Cornerstone Entertainment.’

Muling magpeperform ang mga natanggal na ring contenders kasama si KZ sa isang comeback round sa ‘Breakout episode’ ng kompetisyon.

Nagsimula ang journey ni KZ sa Singer 2019 bilang isang challenger at natalo pa sa isang episode ang international singer na si Jessie J.

Samantala, pinag-uusapan na sa ngayon ang latest performance ni KZ na inupload mismo sa kanyang facebook page.

Sa kasalukuyan ay nagtala na ito ng halos 300,000 views, 33,000 reactions, 1,400 comments at 12,000 shares.

Read more...