Personal na nagtungo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) si Binibinibing Pilipinas Sandra Lemonon para mag-research tungkol sa Build Build Build program ng pamahalaan.
Magugunitang nag-viral ang sagot ni Lemonon sa Question and Answer portion ng 2018 Binibining Pilipinas pageant makaraang aminin nito na blangko siya hinggil sa Build Build Build program ng gobyerno.
Pumunta si Lemonon sa tanggapan ni Build Build Build committee chairperson Anna Mae Yu Lamentillo para pag-aralan ang naturang proyekto.
Ang pagbisita ni Lemonon sa DPWH office ay ibinahagi din ni Lamentillo sa kaniyang Facebook.
Sa kaniyang post, sinabi ni Lamentillo na kung ngayon pa lamang mangyayari ang Binibining Pilipinas pageant ay marahil iba ang naging istorya.