Quo warranto petition vs Sereno ipinababasura ng IBP

Ipinababasura ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Korte Suprema ang quo warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Argumento ng IBP, may butas ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida dahil ang Judicial and Bar Council mismo ay hindi ni-require si Sereno na magsumite ng kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth mula 2001 hanggang 2006.

Iginiit ng IBP na walang malinaw na intensyon ng pag-iwas si Sereno sa sa constitutional requirement na makasisira sa kanyang integridad.

Ayon sa IBP tungkulin nilang panghawakan ang Saligang Batas, isulong ang rule of law at protektahan ang pangangasiwa ng hustisya.

Ang Board of Governors ng IBP na ang ikatlong grupong nais mamagitan sa quo warranto petition laban kay Sereno.

Una nang naghain ng kahalintulad na mosyon ang mga militanteng mambabatas at grupo ng concerned citizens.

 

 

 

 

Read more...