Estudyanteng “brain dead” dahil sa Maryland high school shooting, tatanggalan na ng life support

AP photo

Tatanggalan na ng life support ang babaeng teenager na nasugatan sa pamaril sa Maryland high school, ayon sa kanyang ina.

Ayon kay Melissa Willey, “brain dead” na ang 16 na taong gilang na si Jaelynn Willey.

Sinabi niya na napagdesisyunan ng pamilya na alisin na ang life support sa biktima.

Kritikal ang kalagayan ni Jaelynn na na-confine sa University of Maryland Prince George Hospital Center.

Binaril ng 17 taong gulang na si Austin Rollins si Jaelynn sa Great Mills High School. Matapos ito, namatay rin si Rollins ngunit hindi malinaw kung nagpakamatay ito o tinamaan ng bala ng resource officer ng paaralan.

Ayon sa Country Sheriff’s Office ng St. Mary, kahihiwalay lang ng dating mag-nobyo na sina Rollins at Jaelynn.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...