Nasa kostodiya na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 10 miyembro ng Aegis Juris fraternity na nahaharap sa kaso kaugnay sa pagkamatay ni Horacio “Atio” Castillo III.
Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin alas 11:00 ng umaga nang dumating sa tanggapan ng NBI-Death Investigation Division ang sampu.
Kinumpirma din ni Lavin na sinundo ang sampu sa isang lugar kung saan sila nagtipon.
Kabilang sa mga sumuko ang mga sumusunod:
– Mhin Wei Chan
– Jose Miguel Salamat
– John Robin G. Ramos
– Marcelino Bagtang, Jr.
– Arvin Balag
– Ralph Trangia
– Axel Munro Hipe
– Oliver Onofre
– Joshua Joriel Macabali
– Hans Matthew Rodrigo
Agad na isinailalim sa booking process ang mga sumuko.
Una rito ay naglabas ng arrest warrant ang Manila Regional Trial Court Branch 40 laban sa sampu matapos makitaan ng probable cause ang kasong inihain laban sa kanila ng DOJ na paglabag sa Republic Act 8049 o Anti Hazing Law.