Ayon kay Drilon, pawang kasinungalingan ang naglabasang ulat ngayon sa pahayagan na na-pressure si Robredo kaya nagpasyang tumakbo.
Paliwanag ni Drilon, kaya nagdadalawang-isip noon si Robredo na sumabak sa vice presidential race ay dahil sa pagtutol ng kanyang tatlong babaeng anak. “Hindi po totoo iyan. Siyempre, ngayon pa lang ay kung ano-anong kasinungalingan ang ibinabato sa atin. Kaya po nagdadalawang isip noon si Congresswoman Robredo ay dahilan sa kanyang pamilya, at ang hindi po pumapayag ang kanyang mga anak, dahil siyempre, ‘fear of the unknown’,” ayon kay Drilon.
Sinabi ni Drilon na hindi biro at mabigat na responsabilidad ang papasukin ni Robredo kung kaya hindi maiwasan ng kanyang mga anak na mag-alangan.
Aminado si Drilon na noong Sabado lamang ng umaga pumayag ang mga anak ni Robredo na sumbak ito sa vice presidential race.
Una rito, sinabi ng ina ni Robredo na si Salvacion Gerona na na-pressure lamang ang kanyang anak ng LP kung kaya pumayag itong makatandem si Roxas.