Ipinagharap ng panibagong reklamong plunder sa Office of the Ombudsman si Vice President Jejomar Binay.
Si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado at mga dating opisyal ng Boy Scout of the Philippines (BSP) ang nagsampa ng reklamo.
Batay sa 11-pahinang complaint affidavit nina Mercado, maanomalya umano ang ginawang pagbebenta ng Boy Scout of the Philippines sa Alpha Land Corporation na pag-aari ng BSP sa Malugay Street kanto ng Ayala Avenue Extension sa Makati city.
Sinabi ni Mercado na ipinagbili ang nasabing BSP property sa halagang P600 million na mas mura sa nararapat na value nito na P3 billion.
Maliban dito, wala din umanong napuntang pera sa BSP sa halagang pinagbentahan. Tanging papel lamang umano ang hawak ng BSP na nagpapatunay na nagkaroon nga ng bentahan.
Bukod kay Binay, kasama ring ipinagharaap ng reklamo ang 16 na kasalukuyang bumubuo ng National Executive Council ng BSP.