Aabot sa labingtatlong katao ang nasawi at marami pa ang nasugatan sa sunog na naganap sa isang apartment complex sa commercial hub sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
Nangyari ang sunog sa Carina Plaza high-rise building madaling araw ng Biyernes na nagsimula sa ibabang bahagi ng gusali at mabilis na kumalat.
Ayon sa ulat ng local media, marami sa mga nasawi ay na-suffocate habang tinatangka nilang makalabas ng gusalo mula sa mas mataas na palapag.
Maliban sa mga nasawi, mahigit 12 katao ang nasugatan at dinala sa pagamutan.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang sunog ay nagsimula sa parking garage ng apartment complex.
Ang Carina Plaza ay mayroong ilang mga gusali na ang taas ay nasa 15 hanggang 22 palapag at itinayo anim na taon pa lamang ang nakararaan.
Ito na ang maituturing na deadliest fire sa Vietnam mula noong taong 2016 matapos ang sunog na naganap sa isang karaoke bar sa Hanoi kung saan 13 ang nasawi.