LOOK: Ilang flights kanselado ngayong araw dahil sa sama ng panahon

Kanselado na ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw ng Biyernes, March 23, 2018.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang biyahe ng Cebgo na flights DG 6041 at 6042 Manila – Busuanga – Manila.

Ayon sa MIAA, ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa Palawan.

Pinayuhan naman ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking at refund ng pamasahe.

 

 

 

Read more...