Serye ng concert ni Celine Dion sa Las Vegas kinansela dahil kailangan niyang sumailalim sa ear surgery

Kinansela ng Canadian superstar na si Celine Dion ang kaniyang mga konsyerto sa Las Vegas dahil kailangan niyang sumailalim sa ear surgery.

Si Dion na nakatakdang magdiwang ng kaniyang ika-50 kaarawan ngayong buwan ay nakararanas ng Patulous Eustachian tube, kung saan ang middle opening ng kaniyang tainga ay nakitaan ng problema na nakaaapekto sa kaniyang pandinig.

Ayon sa singer, hindi na kinaya ng gamot ang kaniyang kondisyon kaya kailangan na niyang sumailalim sa operasyon.

Dahil dito, kinansela ang sunud-sunod na show ni Dion mula March 27 hanggang April 18 sa The Colosseum sa Caesars Palace sa Las Vegas.

Sa halip ay ginawa na lamang sa May 22 ang petsa ng kaniyan show.

Humingi naman ng paumanhin si Dion sa mga nag-book pa ng biyahe patungong Las Vegas para makapanood ng kaniyang show.

 

 

 

 

 

 

Read more...