Nakikita umano ang nasa 20 centavos per kilowatt hour na pagtaas bunsod ng mas mahal na imported coal prices sa world market.
Kasabay nito, humina rin ang halaga ng piso na lalo pang magpapalaki sa posibilidad ng taas-presyo.
Inalerto ni Gatchalian ang mga consumers sa pagtaas ng presyo dahil halos kalahati ng pinagkukunan ng enerhiya ng Pilipinas ay coal-fired power plants.
Dahil dito, iminungkahi ng senador ang paggamit sa Malampaya funds upang mabayaran ng National Power Corporation na nagkakahalaga ng P132 bilyong piso.
Sakaling magamit anya ang pondo sa Malampaya ay posibleng mapababa ang presyo ng kuryente sa 35 centavos per kilowatt hour.
“Pwede nating pababaan ang presyo ng kuryente as much as 35 centavor per kilowatt hour. So ganyan ang advantage kung magamit natin ang malampaya fund”, ani gatchalian.