Lalaki patay sa pamamaril sa Navotas City

Kuha ni Justinne Punsalang

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong barilin sa Halaan Street na sakop ng Barangay NBBS sa lungsod ng Navotas.

Kinilala ang biktima na si Jonathan Sevilla.

Ayon kay Barangay NBBS Tanod Nestor Palomar, nakatanggap lamang sila ng tawag na mayroong lalaking nakahandusay sa Halaan Street. Pagdating nila sa lugar ay dinatnan nilang duguan at nakasubsob sa kanyang bike ang biktima.

Ayon umano sa mga residente, nakarinig lamang sila ng isang putok ng baril ngunit dahil madilim ang lugar ay hindi nila nakita kung sino at ilan ang salarin sa pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente at isa sa tinitingnang anggulo sa pamamaslang ang iligal na droga.

 

 

 

 

 

Read more...