Bahagi ng Laguna at Rizal mawawalan ng suplay ng kuryente

May nakatakdang power interruption ngayong araw sa bahagi ng Laguna at Rizal.

Sa abiso ng Meralco, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ang power interruption sa Los Banos, Laguna.

Partkular na apektado ang bahagi ng Barangay Maahas at Barangay San Antonio. Ayon sa Meralco, mayroon silang line reconstruction at relocation ng facilities na maaapektuhan ng DPWH road widening project sa Manila South Road.

Samantala alas 11:00 naman ng gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng madaling araw bukas ang power interruption sa Taytay Rizal.

Apektado naman ang Sitio Ilo at Sitio Pugad gayundin ang Batong Dalig sa Barangay San Juan.

Ito ay dahilan din sa paglilipat ng pasilidad ng Meralco sa kahabaan ng Market Road sa Taytay.

 

 

 

 

 

 

Read more...