Ilang bahagi ng Pasay at QC mawawalan ng suplay ng tubig

Mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Pasay City at Quezon City ngayong araw.

Sa abiso ng Maynilad, sa Pasay, magsisimula ang water interruption alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng madaling araw bukas.

Apektado ang bahagi ng Arnaiz Avenue, Aurora Street, Protacio Street, Tramo at Sta. Clara.

Sa Quezon City naman, mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw bukas ang nakatakdang water interruption.

Maapektuhan naman ang Queensland Subdivision at bahagi ng Nagkaisang Nayon.

Ayon sa Manila Water, service improvement activity ang dahilan ng dalawang water interruption.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...