Ginaganap ang Earth Hour taun-taon para mapalawig ang kaalaman ng publiko sa climate change.
Sa isang pahayag, nanawagan si DILG Officer-In-Charge sa mga alkalde sa bawat lungsod at bayan na hikayatin nito ang mga nasasakupan na patayin ang kanilang mga ilaw sa oras ng Earth Hour ganap na alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi ng Linggo bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa inang kalikasan.
“On March 24, let us show our solidarity to the global campaign to combat climate change by observing Earth Hour. This simple act when done collectively will reduce carbon emissions and somehow help mitigate climate change,” ani Año.
Sa hiwalay na Memorandum Circular No.2018-22 naman, hinikayat ni Año ang mga lokal na opisyal na patayin ang kanilang mga ilaw kabilang ang streetlights, signages, key monuments sa mga pampublikong lugar sa oras ng Earth Hour.
Maging ang mga nasa pampublikong sector ay hinikayat din ng opisyal na makiisa sa global lights-out event na ito.
May tema ang Earth Hour ngayong taon na #Connect2Earth at ang main event nito sa bansa ay magaganap sa Cultural Center of the Philippines sa Maynila.