Pagbibitiw ni De Lima napaaga, iiwan na ang DOJ simula bukas

Leila-de-LimaSa halip na sa October 12 pa gaya nang nauna niyang anunsyo, mas mapapaaga ang pagbibitiw ni Secretary Leila De Lima bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Ayon kay De Lima, bukas, October 7 opisyal na niyang babakantehin ang kaniyang puwesto.

Ito ay para mapaghandaan umano niya ang kaniyang pagtakbo bilang senador sa 2016 elections.

Kahapon sinabi ni De Lima na sa October 12 pa siya magbibitiw sa puwesto na unang araw ng filing ng certificate of candidacy (COC) para sa mga tatakbo sa susunod na halalan.

Si De Lima ay kabilang sa mga matunog na mapapasama sa senatorial slate ng Liberal Party.

Sa Biyernes, October 9, o tatlong araw bago ang pagsisimula ng filing ng COC, pormal na iaanunsyo ng LP ang kabuuan ng kanilang senatorial slate.

Read more...