Anti-political dynasty bill umani ng majority vote sa Senado

Umabot na sa labingtatlo ang bilang ng mga senador na sumuporta sa Anti-Political Dynasty Bill.

Ang mga pumirma na sa Senate Bill No 1765 o ang Anti-Political Dynasty Act of 2018 ay sina Senators. Frank Drilon, JV Ejercito, Ping Lacson, Risa Hontiveros, Win Gatchalian, Leila de Lima, Grace Poe, Nancy Binay, Bam Aquino, Ralph Recto, Loren Legarda, Sonny Angara at Kiko Pangilinan.

Layon ng panukala na malimitahan sa isang pamilya ang mga posisyon sa pamahalaan hanggang sa Barangay.

Sakop nito ang mga asawa, kapatid, magulang, anak at kani kanilang mga asawa.

Sa Committee Report No 367 ng Electoral Reforms Committee ay nililimitahan na ang mga magkakadugo sa pagtakbo sa mga posisyon.

Maging ang magkakadugo ay hindi maaring magsabaysabay sa pagkandidato kahit sa magkakaibang posisyon.

Inaatasan ang Comelec na ibasura ang aplikasyon sa pagkandidato ng mga magkakadugo o magkakapamilyang kandidato.

Read more...