Japanese casino tycoon isinailalim sa lookout bulletin

Inquirer file photo

Isinailalim sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ng Department of Justice ang Japanese Billionaire na si Kazuo Okada.

Ito ay kasunod ng kinakaharap na kasong estafa at perjury na isinampa laban kay Okada ng kanyang dating kumpanya na Tiger Resort, Leisure and Entertainment Incorporated (TRLEI).

Inaatasan ng DOJ ang lahat ng immigration officers na maging alerto para kay Okada sakaling mag-tangka itong lumabas ng bansa.

Ang naturang negosyante ay nahaharap apat na kaso ng estafa at tatlong counts ng kasong perjury na isampa ng kumpanya na kanyang sandaling pinumunuan noong nakaraang taon.

Inakusahan rin si Okada ng pagbubulsa ng mahigit $3 Million na halaga ng sweldo at mga consultation fees nang hindi dumadaan sa authorization ng board of directors.

Read more...