Anak ni Bato nanganganib bumagsak sa PNPA

Photo: PSI Daniel Pumecha

“Umuwi na lang sa Davao City at maghanap ng ibang trabaho”.

Ito ang payo ni PNP Chief Ronald Dela Rosa sa kanyang anak na si Rock kung mabibigo itong tapusin ang kanyang kurso sa PNP Academy.

Ayon kay Dela Rosa, si Rock mismo ang umamin sa kanya na nanganganib siyang bumagsak sa kanyang dalawang subjects.

Gayunman, kanyang sinabi na nauunawan nya ito.

Maging siya mismo kasi ay kinailangang mag-removal exams pa sa Mathematics noong nag-aaral pa siya.

Payo nya sa kanyang anak, mag-aral na mabuti at pilitin na makapasa sa kanyang kurso dahil kung hindi ay mas mabuti pa na bumalik na lang sya sa Davao.

Paliwanag pa ni Dela Rosa, ayaw niya umanong i-pressure ang kanyang anak dahil naiintindihan niya na sadyang mahirap din ang situwasyon ni Rock bilang anak ng PNP chief.

Read more...