Graft case laban kay Syjuco ibinasura ng Sandiganbayan

Inquirer file photo

Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong graft laban kay dating TESDA Director General Augusto Syjuco.

Ang naturang kaso ay kaugnay ng kontrobersyal na fertilizer fund scam.

Sa inilabas na resolusyon ng Sandiganbayan 1st Division, kinatigan nito ang motion to quash ni Syjuco na humiling na maibasura ang kanyang kaso dahil umano sa inordinate delay o matagal na tinakbo ng kaso.

Pinaboran naman ng korte ang argumento ni Syjuco na nalabag ng Office of the Ombudsman ang kanyang karapatan para sa “speedy disposition” o mabilis na pag-usad ng kaso dahil inabot ng mahigit 11 taon bago naisampa ng Ombudsman ang kaso mula nang maihain ang reklamo noong taong 2004.

Kasunod naman ng pag-apruba ng motion to quash ni Syjuco ay ang pag-alis ng hold departure order laban sa kanya.

Read more...