South Africa kakalas na rin sa ICC ayon sa Malacañang

AP

Ibinunyag ng Malacañang na nagbabalak na rin ang South Africa na kumalas sa International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque muling magtatangka ang South Africa na kumalas sa nasbaing international body.

Noong October 2016, nagpahayag na rin ang South Africa na susunod sila sa pagkalas ng Burundi sa ICC subalit hindi ito natuloy.

Ayon kay Roque, patunay ito na hindi nag-iisa ang Pilipinas sa pag-alis ng ICC na una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bastos na korte.

Kasabay nito, nagpasalamat din ang Palasyo sa Russia sa pagsuporta nito sa pagkalas ng pilipinas sa ICC.

Nanindigan pa si Roque na hindi na makikipagtulungan ang Pilipinas sa preliminary examination ng ICC sa war on drugs ng administrasyon.

Tugon ito ng Palasyo sa pahayag ng ICC na hindi makaka-apekto sa kanilang preliminary examination ang pagkalas ng Pilipinas.

Isang taon ang magiging proseso bago tuluyang makaalis ang Pilipinas sa ICC.

Read more...