Ayon kay Senior Supt. Antonietta Langcauon, director ng PNP Health Service, “leptospiros” at hindi Dengvaxia ang sanhi ng pagkasawi ng pulis na mayroong ranggo na PO3 at nakadestino sa station 6 ng QCPD.
Sa katunayan nga aniya, ay hindi naman naturukan ng anti-dengue vaccine ang nasabing pulis dahil wala ito sa kanilang listahan.
Hindi rin daw ito kwalipikado dahil 50 anyos na ang pulis at nasa edad 45 pababa lang ang maaring turukan ng Dengvaxia.
Paliwanag naman si Chief Insp. Benaly Bayani, Medical Officer ng PNP Health Service, base sa health history, physical examination at laboratory exams ay wala silang makitang dahilan na magkokonekta sa pagkamatay ng pasyente sa Dengvaxia.
Maari umano kasing napagkamalan lang na Dengvaxia ang ikinasawi ng pulis dahil sa sintomans na ipinakita nito tulad ng lagnat, pananakit ng katawan at jaundice o paninilaw ng balat.
Sa kabuuan nasa 4, 445 ng PNP personnel ang naturukan ng Dengvaia sa lahat ng Regional Health Service sa bansa.
At sa bilang na ito nasa 135 naman ang nagpakunsulta sa PNP-GH.