Hustisya sa mga nasawi sa aksidente sa Occidental Mindoro, tiniyak ng Malakanyang

PHOTO CREDIT: JEVERLY AMBROCIO

Nagpabot ng pakikiramay ang palasyo ng malakanyang sa labing siyam na nasawi sa nahulog na bus sa Occidental Mindoro.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, humingi si Presidential Spokesman Harry Roque ng moment of silence para sa mga nasawi.

Tiniyak pa ng palasyo na bibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng labingsiyam katao.

Sa ngayon sinabi ni Roque na hahayaan na muna ng palasyo ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na patapusin ang kanilang imbestigasyon.

Kapag napatunayan aniya na may kapabayaan sa hanay ng LTFRB dahil sa hindi regular na pag-iinspekyon sa mga pampublikong sasakyan, tiyak na may masisibak sa serbisyo.

Iginiit pa ni Roque na tuloy ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga kolorum na sasakyan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...