Kasunduan sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas lalagdaan sa unang linggo ng Abril

Itinakda na Department of Labor and Employment (DOLE) ang pormal na paglagda ng kasunduan sa gobyerno ng bansang Kuwait na titiyak sa proteksyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nagtatrabaho sa Kuwait.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang paglagda ay maaring maganap sa unang linggo ng Abril.

Ang pirmahan aniya ay posibleng maganap sa Kuwait dahil dito na sa Pilipinas ginawa ang negosasyon.

Binigyang-diin naman ni Bello na kahit malagdaan ang kasunduan, tuloy ang paghahanap ng katarungan sa pagkamatay ni Joanna Demafelis.

Ang paglagda sa memorandum of understanding ay matapos ang dalawang araw na matagumpay na negosasyon ng mga labor official ng Pilipinas at Kuwait noong nakalipas na linggo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...