Sa botong na 202 na YES, 3 na NO at 0-ABSTAIN lumusot ang House Bill 7185 na naglalayong kilalanin ang Foreign Decree of Termination of Marriage.
Aamyendahan ng nasabing panukala ang Executive Order 209 o ang Family Code of the Philippines.
Kapag naging batas ang panukala, hindi na kakailanganin pa ng judicial recognition of a foreign decree of termination of marriage para muling makapag-asawa ang Filipino spouse.
Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang Filipino spouse ay ikinukunsidera na kasal kahit na nakakuha na ng divorce decree sa kanyang bansa ang foreign spouse hanggang walang judicial decree of nullity of marriage sa korte ng Pilipinas.
Kapag naging ganap nang batas, maaari lamang ma-avail ng mga Filipino na kasal sa dayuhan ang nasabing batas kapag idineklarang walang bisa ang kasal ng foreign spouse sa bansa kung saan siya naroroon.
Kapag naging batas ang panukala sasakupin din nito ang mga kasal na idineklarang wala nang bisa sa ibang bansa kahit na nangyari ito bago naging epektibo ang bagong batas.