LOOK: Traffic re-routing plan para sa Poblaction Lenten activity sa Makati

Sisimulan ang pagtatayo ng ‘kubol’ sa Barangay Poblacion sa Makati City bilang bahagi ng taunang tradisyon at mga aktibidad para sa Semana Santa.

Sa abiso ng Makati City Government, ang Poblacion Lenten activity ay magsisimula sa March 24 hanggang April 1.

Dahil dito, magpapatupad ng two-way traffic sa kahabaan ng J.P. Rizal para bigyang daan ang paglalagay ng ‘kubol’ sa mga inner roads at para sa araw-araw na prusisyon na isasagawa.

Narito ang inilabas na traffic advisory ng Makati City traffic:

Ang mga motorista na patungo sa Makati Avenue ay kakanan sa E. Zobel, kaliwa sa Valdez, at kanan sa Makati Avenue.

Ang mga patungo naman ng Mandaluyong kakaliwa sa E. Zobel, kanan sa Mabini, kanan sa P. Gomez, kanan sa Zamora, at kanan patungo sa Burgos.

Kung magtutungo naman sa Guadalupe, kakaliwa sa E. Zobel, kanan sa Mabini, at kaliwa sa JP Rizal.

Ang mga pampasaherong jeep na patungo sa Guadalupe ay kakanan sa E. Zobel, kaliwa sa Valdez, kaliwa sa Makati Ave. o P. Burgos, at kakanan sa JP Rizal.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...