Mga motorista ilang oras na naipit sa traffic sa C5 southbound dahil sa nasiraang truck sa Bagong Ilog

Ilang oras na naipit sa traffic ang mga motorista sa kahabaan ng C5 southbound dahil lamang sa isang nasiraang truck sa bahagi ng Bagong Ilog sa Pasig City.

Ayon kay JC Sto. Domingo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) metrobase, bago pa lang mag alas 5:00 ng umaga nang masiraan ang nasabing truck pagbaba ng Bagong Ilog flyover southbound at alas 10:25 na ng umaga nang maitabi ito sa emergency bay.

Sinabi ni Sto. Domingo na naputulan ng stud ang truck kaya hindi maaring paandarin o hatakin. Hinintay pa ang mekaniko ng kumpanya na may-ari ng dump truck para siya ang mag-ayos ng nasirang sasakyan.

Dahil sa nasabing insidente, umabot sa Katpinan sa Quezon City ang tail-end ng traffic. Maging ang mga nasa northbound ng C5 ay naapektuhan partikular ang mga pa-U turn sa southbound.

Marami sa mga motorista ang nag-tweet at sinabing ilang oras na silang nasa biyahe at halos walang galawan ang mga sasakyan sa C5 southbound.

Bunsod ng perwisyong idinulot ng pagkasira ng nasabing dump truck dadalhin na ito sa impounding area ng MMDA.

Mahaharap din sa patung-patong na paglabag ang may-ari ng truck.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...