Ilang bahagi ng Makati, Maynila, Laguna at Rizal, mawawalan ng kuryente ngayong araw

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang ilang bahagi ng Makati, Maynila, Laguna at San Mateo, Rizal.

Sa abiso ng Meralco mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon makararanas ng power interruption ang bahagi ng Barangay San Antonio, Makati City dahil sa gagawing relocation ng kanilang pasilidad sa nasabing barangay.

Sa Maynila naman, alas 10:00 ng gabi hanggang alas 11:00 ng gabi ang power interruption sa ilang bahagi ng Malate at Sta Ana. Sa parehong oras din makararanas ng brownout ang bahagi ng Barangay Palanan sa Makati dahil sa maintenance work sa Meralco-Malate substation.

Sa Calauan, Laguna naman, alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng umaga bukas mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Barangay Perez, Paliparan, Mabacan at Balayhangin dahil sa line reconductoring works at pagpapalit ng poste sa nasabing mga barangay.

Sa San Mateo Rizal, 11:45 ng gabi hanggang 4:45 ng umaga bukas ang mararanasang power interruption sa malaking bahagi ng Barangay Gulod Malaya dahil sa line reconductoring works sa Catleya Street sa nasabing barangay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...