Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2018, ilulunsad ng DOTr ngayong araw

Coast Guard Photo

Ilulunsad na ngayong araw ng Department of Transportation and kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2018.

Isasagawa ang launching mamayang alas 10:00 ng umaga sa main office ng Land Transportation Office (LTO).

Kabilang sa mga ahensya ng gobyerno na katuwang sa nasabing programa para sa Holy Week ay ang Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Philippine National Railways, Civil Aviation Authority of the Philippines, Civil Aeronautics Board, Manila International Airport Authority, Philippine Coast Guard, Philippine Ports Authority, Office for Transportation Security at ang Commuter Affairs.

Sa nasabing launching ilalatag ang kani-kaniyang programa ng bawat ahensya bilang paghahanda sa nalalapit na Semana Santa kung saan taun-taon ay marami sa mga mamamayan ang bumibiyahe pauwi sa mga lalawigan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...