Ayon kay PAGASA weather specialist Shelly Ignacio, may posibilidad na maging isang ganap na bagyo ang nasabing LPA na huling namataan sa 2,300 kilometers east ng Mindanao.
Bagaman may kalayuan pa, patuloy itong binabantayan ng PAGASA at hindi inaalis ang posibilidad na ito ay papasok sa bansa.
Samantala, lumakas pa ang pag-iral ng Northeast Monsoon o Hanging Amihan at ngayon ay apektado na ang Northern at Central Luzon.
Dahil dito, ang Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at mga lalawigan ng Ilocos at Aurora ay makararanas ng isolated nap ag-ulan.
Dahil naman sa tail-end ng cold front, ang Bicol Region at lalawigan ng Quezon ay makararanas ngayong araw ng kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms. Ayon sa PAGASA maaring magdulot ng flashflood at landslides ang katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan na mararanasan sa nasabing mga lugar.
Ang Davao Region naman, Caraga at SOCCSKSARGEN ay makararanas din ng mga pag-ulan dahil sa extension ng LPA.
Habang ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lang ng isolated thunderstorms.