Kuwait deployment ban, mananatili hangga’t hindi naibibigay ang mga demand ng pangulo

 

Day off at hayaang makapagsimba.

Ito ang dagdag na demand ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kuwaiti government para bawiin na ang deployment ban ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa talumpati ng pangulo kagabi sa oath-taking ng Mayor Rodrigo Roa Duterte sa National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) National Convention sa Cuneta Astrodome, Pasay City, sinabi nito kapag hindi naibigay ng Kuwait government ang kanyang mga kahilingan, ipagpapatuloy pa rin ng Pilipinas ang hindi pagpapadala ng mga manggagawa.

Una rito, sinabi ng pangulo na hinihiling niya sa Kuwait government na bigyan ng pitong oras na pagtulog ang mga OFW, bigyan ng masustansyang pagkain, hindi dapat na kumpiskahin ng mga employer ang passport ng mga pinoy workers at gawing government to government ang contract.

Read more...