Erich Gonzales may bagong manliligaw

 

Masayang inamin ng Kapamilya actress na si Erich Gonzales na mayroon siyang manliligaw ngayon.

Sa kanyang launching bilang endorser ng isang slimming product ay sinabi nito na non-showbiz ang kanyang manliligaw na inilarawan niya bilang ‘consistent’ at ‘persistent.’

Bagaman hindi pinangalanan ni Erich ang kanyang suitor ay napag-alaman na ito ay si Mateo Lorenzo na kapatid naman ng kasalukuyang boyfriend ni Claudia Barretto.

Ayon sa Kapamilya actress, isang taon na silang magkaibigan ni Mateo at sa ngayon ay kinikilala pa nila ang isa’t isa.

Aniya pa, hindi pa siya makapag-commit dahil naka-focus muna siya sa kanyang career, lalo na’t gumaganap siya ngayon bilang triplets sa teleseryeng “Blood Sisters.” /Justinne Punsalang

Excerpt: Inilarawan ni Erich ang kanyang manliligaw bilang ‘consistent’ at ‘persistent.’

Read more...