Ayon sa Globaltronics Inc., na-hack umano ang kanilang system at nabiktima lamang sila ng isang ‘malicious attack.’
Kaya naman nakikipagtulungan na ang kanilang pamunuan sa mga otoridad na sila namang magsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa insidente.
Kasunod nito ay, ipinag-utos na ni Makati Mayor Abby Binay ang pagpapasara ng naturang electronic billboard na nasa panulukan ng Makati Avenue at Gil Puyat Avenue.
Ani Binay, mananatiling nakasarado ang billboard hangga’t hindi nalalaman kung paano talaga naipalabas ang malaswang video.
Ayon kay Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Chief Investigator, Senior Inspector Artemio Cinco, kung mapapatunayang hindi ito insidente ng hacking ay liable ang kumpanya sa danyos.
Kaugnay nito, sinabi naman ng City Administrator na si Claro Certeza, sakaling lumabas sa imbestigasyon na hindi nga na-hack ang system ng e-billboard ay posibleng mapawalang-bisa ang lisensya ng Globaltronics.