Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na naganap sa isang residential area sa Barangay Obrero, Quezon City hapon ng Miyerkules.
Ayon sa Quezon City Fire Department, nagsimula ang sunog sa kusina ng isa sa mga bahay sa kahabaan ng Makabayan Street bago pa mag-alas-5 ng hapon.
Inabot ng mahigit isang oras bago ito tuluyang naapula.
Ayon sa mga otoridad, nahirapan silang agad na sugpuin ang sunog dahil sa maliliit at pasikot-sikot na kalsada sa lugar.
25 bahay ang tinupok ng apoy at nasa 50 mga pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa insidente.
Isang babae naman ang nasugatan dahil sa sunog, matapos nitong subukan pang magsalba ng mga kagamitan mula sa kanilang bahay.
MOST READ
LATEST STORIES