Sa pagdinig ng Senate Committees on Energy and Ways and Means, tiniyak ni Gatchalian na walang brownout ngayon summer dahil sa mahusay na performance ng mga planta ng kuryente.
Ngunit sa nasabi din pagdinig, posibleng magkaroon naman ng pagtaas ng halaga ng kuryente sa loob ng dalawang buwan.
Ito aniya ay dahil sa pagtaas ng presyo ng coal na pangunahing ginagamit na panggatong ng mga power generators.
Dagdag pa nito, maaring hanggang 20 centavos per kilowatt hour ang maging dagdag sa bayarin sa kuryente.
MOST READ
LATEST STORIES