Ito ang naging tugon ni Senadora Cynthia Villar nang kapanayamin ng media tungkol sa kanyang opinyon sa inaprubahang divorce bill sa Kamara.
Ipinunto ni Villar na kung mayroong diborsyo sa Pilipinas ay hindi na mabibigyan pa ng pagkakataon ang mga mag-asawa na ayusin ang kanilang relasyon.
Aniya pa, lahat ng relasyon ay dapat pangalagaan at hindi dapat agad isipin na tapusin ito kung mayroong nararanasang mga problema.
Posible rin aniyang hindi maaprubahan sa Senado ang panukalang divorce dahil mayroong ilang mga senador na mas gustong amyendahan na lang ang annulment process sa bansa.
Kabilang dito si Senadora Nancy Binay na nagsabing hindi na kailangan pa ang diborsyo dahil pwede namang repasuhin na lamang ang annulment.
Matatandaang naaprubahan sa mababang kapulungan ang House Bill No. 7303 o “An Act Instituting Absolute Divorce and Dissolution of Marriage in the Philippines” sa pamamagitan ng 134-57 voting.