Number coding sa mga bus, suspendido sa Semana Santa

 

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na lifted ang number coding scheme para sa lahat ng mga pampasaherong bus sa March 28 (Miyerkules Santo) at April 2 (Lunes).

Ayon sa MMDA, epektibo ang naturang suspensyon para sa mga city at provincial buses, bilang obserbasyon sa Semana Santa.

Ayon pa ng MMDA, layunin ng suspensyon ng number coding ang makapagsupply ng karagdagang mga bus para sa lahat ng mga bi-byahe papuntang probinsya.

Samantala, inaasahan namang magkakaroon ng 8% passenger influx ngayong Semana Sanata.

Read more...