Pagbibigay ng visa sa ilang professional foreign worker, sinuspinde ng Oman

 

Nagdeklara ang Sultan ng Oman ng 6 na buwang suspensiyon sa pagbibigay ng visa sa mga foreign worker sa ilang piling propesyon na dati nitong kinukuha.

Ayon sa inilabas na advisory na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), nag-isyu ang Oman Ministry of Manpower (MoM) ng Ministerial Decision 38-2018 noong nakaraang Enero 24 na pumipigil sa pagbibigay ng visa mga banyagang manggagawa.

Bahagi ito ng nationalization policy ng Oman sa layuning makalikha ng 25,000 trabaho para mga sa mamamayan ng Oman.

Paglilinaw ng POEA, ang mga visa na na-isyu bago Enero 24, 2018 ay kikilalanin ng Oman hanggang sa expiration date nito.

Kabilang sa mga trabaho na apektado ng suspensyon ay mga posisyon sa:

-Information and technology sector
-Accounting and Finance sector,
-Marketing and Sales sector,
-Administration and Human Resources sector
-Insurance industry,
– Information and Media Professions
-Medical Professions,
-Airport Professions at
– Engineering Professions.

Tatagal ang suspensyon hanggang Hulyo 24, 2018.

 

Read more...