Sa kanyang talumpati sa graduation rites ng Philippine National Police Academy (PNPA) ‘Maragtas’ Class of 2018 sa Cavite, sinabi ng pangulo na masyadong maaga ang retirement age na 56 at lugi ang gobyerno rito.
Anya, nagbabayad ng malaking halaga ang mga Filipino sa serbisyo ng mga pulis at sundalo at hindi mababawi ang ginasta rito kung ang masyadong maaga ang retirement age.
“Do not be offended. Filipinos are spending much for you, yet you retire at the age of 56. Hindi ako makabawi,” ani Duterte.
Samantala, hinimok ng pangulo si Vice Presidente Leni Robredo na dumalo rin sa okasyon na suportahan ang kanyang panukalang ito na itaas ang retirement age sa armed services.
Hinimok din ng pangulo ang mga Muslim na maging pulis o sundalo.
Anya, hindi lahat ng Moro sa Mindanao ay mga kaaway.
Bukas ang pangulo sa pagtaas ng bilang ng mga Moro na papasok sa Philippine Military Academy o PNPA at sinabing kailangan ang mga ito ng bansa.